Ang alaala ng ating pagkatao, ang ating pagka-Pilipino, ay nabubuhay sa ating mga kwento. Dala-dala ng mga ito ang yaman ng ating kultura, sa pamamagitan ng mga ordinaryong kwento o ‘di kaya’y mga kwentong nababalot sa mga bagay na katakataka o mitikal.
Bilang pagdiwang ng National Indigenous Peoples Month at mula sa amin sa Serious Studio, aming inihahandog ang Gunitaan — isang munting aklatan ng ating mga alamat. Ang mga alamat at mga kwentong ito ay nagpipinta sa kung sino tayong mga Pilipino noon at isang paglalarawan sa ating kultura.
Ang mga kwento rito ay mula sa libro ni Mabel Cook Cole na inilathala noong 1916, ang "Philippine Folk Tales", na isinalin sa Ingles at sa Filipino. Lahat ng larawan na makikita sa koleksyon ay hango sa bawat kulturang pinagmulan nito. Sa pamamagitan ng design, hinahangad ng Gunitaan na itanghal at mapanatili ang angking rikit ng mga kulturang bumubuo sa ating pagka-Pilipino.

Ang Alamat Aklatan
Pabaon na Kultura
Sa pagkilala at pagtanghal sa mga katutubong Pilipino, nakipagugnayan ang Gunitaan sa PAGASA upang magbigay suporta sa ilang komunidad ng Aeta, Lumad, T'boli at mga katutubong komunidad na naapektuhan ng bagyo sa Camarines Sur. Kapalit ng donasyon sa anumang halaga ay isang digital compilation ng aklatan.

Ang aklatan ay isa ring risograph art zine na inilathala sa tulong ng Bad Student na bukas sa mga preorder hanggang Dec. 11, 2020. Dahil sa pinsalang dulot ng bagyo sa kanila, 10% ng malilikom mula sa zine ay ilalaan sa Bad Student. Ang natitirang 90% ay ilalaan pa rin sa mga komunidad na sinusuporta ng PAGASA.
Ang aklatan ay isa ring risograph art zine na inilathala sa tulong ng Bad Student na bukas sa mga preorder hanggang Dec. 11, 2020. Dahil sa pinsalang dulot rin ng bagyo sa kanila, 10% ng malilikom mula sa zine ay ilalaan sa Bad Student. Ang natitirang 90% ay ilalaan pa rin sa mga komunidad na sinusuporta ng PAGASA.
Ang Gunitaan ay isang munting aklatan ng ating mga alamat. Sa pamamagitan ng design, hinahangad ng Gunitaan na itanghal at mapanatili ang angking rikit ng mga kulturang bumubuo sa ating pagka-Pilipino
Handog ng Serious Studio.