fbpx

Ang Digmaan ng Alimango at ng Alon

Crabs-01-Cover

Ang Digmaan ng Alimango at ng Alon

ISANG KWENTONG BISAYA

Ang kwentong ito ay nagmula sa mga Kristyanong tribo sa may baybayin ng Visayas. Pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas noong ika-16 na siglo, napansin nila ang impluwensya ng mga dayuhang kulturang nangangakalal sa Visayas, katulad ng Tsina at Thailand. Ang paghahalo ng mga kulturang sinauna, dayuhan at Bisaya ay makikita sa mga kwentong kagaya nito.

PABAON NA KULTURA

I-download ang kwento o i-preorder ang riso zine at maghandog tungo sa pagpapanatIli ng ating mga katutubong kultura.

Isang araw, nagpulong ang mga alimangong nakatira sa lupa. "Anong gagawin natin sa mga alon? Sa sobrang ingay nila, imposibleng makatulog.", ‘ika ng isang alimango.

Sumagot ang isa sa mga nakatatanda, "Sumosobra na sila. Oras nang makipagdigmaan sa mga alon."

Napagsang-ayunan ng mga alimango na maghanda para sa digmaan. Kinabukasan, nagmartsa sila papunta sa dagat nang may nadaanan silang isang hipon.

Crabs-02-Noisy-Waves
Crabs-03-Meet-Shrimp

"Saan kayo papunta, mga kaibigan?" ani ng hipon. "Makikipagdigmaan kami sa mga alon!" sagot ng mga alimango. "Napakaingay nila sa gabi kaya hindi kami makatulog."

"Naku, hindi kayo magtatagumpay. Napakalakas ng mga alon, samantalang napakarupok ng inyong mga binti at katawan." pangutya ng hipon. Nagalit ang mga alimango, kung kaya't sinipit nila ang hipon hanggang sa nangako siyang tutulungan niya ang mga alimango labanan ang mga alon.

Crabs-04-Tree-Border

Nagtungo silang lahat sa pampang. Ngunit napansin ng mga alimango na kakaiba ang mga mata ng hipon kaysa sa kanila. "Kaibigang hipon, tila sa iba ka ata nakatingin.” Patawang sinabi ng isang alimango. “Teka… Ano ang sandata mo laban sa mga alon?"

Crabs-05-Shrimp-Fight

Sumagot ang hipon, "Mayroon akong sibat sa aking ulo." Sa sandaling natapos siya sa pagsasalita, napansin niya ang paparating na malaking alon at agad-agad siyang siyang tumakbo palayo sa dagat. At dahil nakaharap ang mga alimango sa hipon, hindi nila nakita ang alon. Humampas ang ito sa pampang kung nasaan ang mga alimango at sila'y nilamon ng dagat.

Crabs-06-Drowning-Crabs

Nagsimulang mag-alala ang mga asawa ng mga mandirigmang alimango. Nagtungo sila sa pampang upang makatulong sa digmaan kahit papano. Ngunit, sa sandaling dumating sila sa pampang, agad rin silang nilamon ng mga alon.

Crabs-07-Drowning-Crabs

 

Di nagtagal, libu-libong maliliit na alimango ang nagsipuntahan sa dagat upang hanapin ang kanilang magulang. Sa pampang na iyon, madalas silang binibisita ng hipon at kinukwentuhan tungkol sa kinahinatnan ng kanilang mga minamahal sa buhay.

Hanggang ngayon, makikita ang mga maliliit na alimango sa may pampang, tumatakbo papunta sa dagat at palayo mula rito.

 

Crabs-08-Rushing-Crabs

Pabalik-balik. Atras-abante. Susugurin ang alon, subalit aatras papunta sa lupa sa sandaling lamunin ng takot. Ngayon, ang mga alimango ay tinadhanang tumira hindi sa lupa o sa dagat, kundi mismo sa dalampasigan kung saan magpakailanman silang nakikipagdigmaan sa alon.

 

Crabs-09-CTA

Sa pagkilala at pagtanghal sa mga katutubong Pilipino, nakipagugnayan ang Gunitaan sa PAGASA upang magbigay suporta sa komunidad ng Aeta, Lumad, T'boli at mga katutubong nasalanta ng bagyo sa Camarines Sur. Kapalit ng donasyon sa anumang halaga ay isang digital compilation.

Ang aklatan ay isa ring risograph art zine na inilathala sa tulong ng Bad Student na bukas sa mga preorder hanggang Dec. 11, 2020. Dahil sa pinsalang dulot rin ng bagyo sa kanila, 10% ng malilikom mula sa zine ay ilalaan sa Bad Student. Ang natitirang 90% ay ilalaan pa rin sa mga komunidad na sinusuporta ng PAGASA.

 

Crabs-10-Footer-Stamp
Crabs-11-Footer-Books

Ang Gunitaan ay isang munting aklatan ng ating mga alamat. Sa pamamagitan ng design, hinahangad ng Gunitaan na itanghal at mapanatili ang angking rikit ng mga kulturang bumubuo sa ating pagka-Pilipino

Handog ng Serious Studio.