fbpx

Ang Pagsikat at Paglubog ng Araw at Buwan

Sun-Moon-01-Cover-Size

Ang Pagsikat at Paglubog ng Araw at Buwan

ISANG KWENTONG BISAYA

Ang kwentong ito ay nagmula sa mga Kristyanong tribo sa mga baybayin ng Visayas. Ang paghahalo ng mga makukulay na sinaunang kultura, dayuhan at Bisaya ay makikita sa mga kwentong kagaya nito. Ang kwentong ito ay naimpluwensiyarin rin ng mga kulturang mula sa Europa at may mga bersyon nitong mahahanap rin sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

PABAON NA KULTURA

I-download ang kwento o i-preorder ang riso zine at maghandog tungo sa pagpapanatIli ng ating mga katutubong kultura.

Noong unang panahon, ang Araw at Buwan ay kinasal. Di kalaunan, nagkaroon sila ng maraming anak na mga bituin. Mahal na mahal ng Araw ang mga anak niya at nais niyang iparating ang kanyang pagmamahal sa mga ito. Subalit sa pagyakap ng Araw sa kanyang mga anak, sila ay nasunog. Nagluksa ang Buwan sa kawalan ng kanilang mga anak, at ipinagbawal niya ang Araw na yakapin silang muli.

Sun-Moon-02-Happy-Sun

 

Sun-Moon-03-Fight

Isang araw lumabas ang Buwan. Di makatiis ang Araw at mahigpit niyang yinakap ang mga anak na bituin sa kabila ng utos ng kanyang asawa. Nang makauwi ang Buwan, nadatnan niyang sunog ang kanyang mga anak. Sa galit, hinampas niya ang Araw gamit ang isang puno ng saging. Bilang ganti, dumakot naman ng buhangin ang Araw at hinagis ito sa mukha ng Buwan. Nag-iwan ito ng mga malalalim na uka sa kanyang mukha na di na mawawala.

Sun-Moon-03-Angry-Moon
Sun-Moon-03-Top-Border

Isang araw lumabas ang Buwan. Di makatiis ang Araw at mahigpit niyang yinakap ang mga anak na bituin sa kabila ng utos ng kanyang asawa. Nang makauwi ang Buwan, nadatnan niyang sunog ang kanyang mga anak. Sa galit, hinampas niya ang Araw gamit ang isang puno ng saging. Bilang ganti, dumakot naman ng buhangin ang Araw at hinagis ito sa mukha ng Buwan. Nag-iwan ito ng mga malalalim na uka sa kanyang mukha na di na mawawala.

Sun-Moon-03-Bottom-Border
Sun-Moon-03-Angry-Sun
Sun-Moon-04-Forever-Fight-Top

Ngayon, ang Araw at Buwan ay patuloy pa ring nagtatalo, naghahabulan sa langit mula umaga hanggang gabi.

Minsan, tila mahuhuli na ng Araw ang Buwan. Ngunit sa pagsapit ng gabi, muli siyang makakalayo at magpapatuloy ang habulan.

Sun-Moon-04-Forever-Fight-Bottom

Ngayon, ang Araw at Buwan ay patuloy pa ring nagtatalo, naghahabulan sa langit mula umaga hanggang gabi.

Minsan, tila mahuhuli na ng Araw ang Buwan. Ngunit sa pagsapit ng gabi, muli siyang makakalayo at magpapatuloy ang habulan.

 

Sun-Moon-05-CTA

Sa pagkilala at pagtanghal sa mga katutubong Pilipino, nakipagugnayan ang Gunitaan sa PAGASA upang magbigay suporta sa komunidad ng Aeta, Lumad, T'boli at mga katutubong nasalanta ng bagyo sa Camarines Sur. Kapalit ng donasyon sa anumang halaga ay isang digital compilation.

Ang aklatan ay isa ring risograph art zine na inilathala sa tulong ng Bad Student na bukas sa mga preorder hanggang Dec. 11, 2020. Dahil sa pinsalang dulot rin ng bagyo sa kanila, 10% ng malilikom mula sa zine ay ilalaan sa Bad Student. Ang natitirang 90% ay ilalaan pa rin sa mga komunidad na sinusuporta ng PAGASA.

 

Sun-Moon-06-Footer-Stamp
Sun-Moon-07-Footer-Books-

Ang Gunitaan ay isang munting aklatan ng ating mga alamat. Sa pamamagitan ng design, hinahangad ng Gunitaan na itanghal at mapanatili ang angking rikit ng mga kulturang bumubuo sa ating pagka-Pilipino

Handog ng Serious Studio.