fbpx

Bakit Kumakawag ang Buntot ng Aso

Dog-01-Cover

Bakit Kumakawag ang Buntot ng Aso

ISANG KWENTONG BISAYA

Ang kwentong ito ay nagmula sa mga Kristyanong tribo sa may baybayin ng Visayas. Pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas noong ika-16 na siglo, napansin nila ang impluwensya ng mga dayuhang kulturang nangangakalal sa Visayas, katulad ng Tsina at Thailand. Ang paghahalo ng mga kulturang sinauna, dayuhan at Bisaya ay makikita sa mga kwentong kagaya nito.

PABAON NA KULTURA

I-download ang kwento o i-preorder ang riso zine at maghandog tungo sa pagpapanatIli ng ating mga katutubong kultura.

Dog-02-Mobile-Pair

Noong sinaunang panahon, mayroong isang mayamang tao na may alagang ng aso at pusa. Ang aso ay matapat na nagsilbi nang maraming taon. Ngayon na siya'y matanda na, wala na siyang ngipin at hindi na niya kayang makipaglaban. Ngunit, nagsisilbi siyang mabuting gabay at kaakibat ng malakas at tusong pusa ng kaniyang amo.

Dog-02-Cat

Dog-03-Dog

Mayroong anak na babae ang amo nila na pumapasok sa isang malayong paaralan. Madalas siyang pinadadalhan ng mga regalo ng kanyang ama sa pamamagitan ng kanyang alagang aso at pusa. Isang araw, inutusan ng amo ang kanyang mga matapat na alaga na dalhin ang isang mahiwagang singsing sa kanyang anak. "Ikaw ay malakas at matapang," sabi niya sa pusa. "Maaari mong dalhin ang singsing, ngunit kailangan mong mag-ingat na hindi ito mawala." Sinabi niya naman sa aso, "At ikaw ay magsisilbing bantay sa pusa upang gabayan siya at protektahan mula sa panganib."

Dog-04-Ring-Intro
Dog-05-Wave-Border

Nangako ang aso at pusa na gagawin nila ang lahat nang kanilang makakaya upang makarating ang singsing sa kanyang anak. Walang problema ang kanilang paglalakbay hanggang sa napatigil sila sa isang ilog. Wala silang makitang ni tulay o bangka kung kaya't napilitan silang magpasiya na lumangoy para makatawid. "Hayaan mo na ako ang magdala ng mahiwagang singsing," ani ng aso. "Hindi maaari. Sa akin ito ipinaubaya ng ating amo," sagot ng pusa. Patuloy na kumatwiran ang aso, "Ngunit, hindi ka magaling lumangoy. Malakas ako at kaya kong pangalagaan ang singsing." Patuloy sa pagtanggi ang pusa na ipaubaya ang sising sa aso hanggang sa binantaan nito ang kaniyang buhay. Napilitan siyang ibagay ang singsing.

Dog-06-Ring-Transfer

Tinawid nila ang ilog. Mabilis napagod ang aso at pusa sa lawak ng ilog at bilis ng agos nito. Halos narating na nila ang kabilang dako ng ilog nang nabitawan ng aso ang singsing.

Dog-07-Ring-River
Dog-08-Run

Hinanap nila ito nang maigi, ngunit tuluyan na itong nawala. Bumalik sila upang umuwi at ihatid ang malungkot na balita sa kanilang amo. Nang sila'y malapit na, nabalot ng takot ang aso kaya siya’y tumakas.

Nagpatuloy bumalik ang pusa nang mag-isa. Nang nadatnan siya ng amo, tinanong niya kung bakit siya bumalik kaagad at kung ano ang nangyari sa kanyang kasama. Takot na takot, ikinwento ng kawawang pusa ang kinahinatnan ng mahiwagang singsing at ang pagtakas ng kanyang kasamang aso.

Galit na galit ang amo nang marinig ang kuwento. Inatasan niya ang lahat ng kanyang mga tao na hanapin ang aso at parusahan sa pamamagitan ng pagputol ng kanyang buntot. Inatasan din niya ang lahat ng aso sa buong mundo na tumulong sa paghahanap. Ngayon, lahat ng pusa ay nakatadhanang maging takot sa tubig. Samantalang lahat naman ng aso ay nagkakawag ng kanilang mga buntot at nagpapakita ng kanilang mga ngipin upang patunayan na hindi sila ang nakatatandang asong nakawala ng mahiwagang singsing.

Dog-09-Home-Cat

Dog-10-CTA

Sa pagkilala at pagtanghal sa mga katutubong Pilipino, nakipagugnayan ang Gunitaan sa PAGASA upang magbigay suporta sa komunidad ng Aeta, Lumad, T'boli at mga katutubong nasalanta ng bagyo sa Camarines Sur. Kapalit ng donasyon sa anumang halaga ay isang digital compilation.

Ang aklatan ay isa ring risograph art zine na inilathala sa tulong ng Bad Student na bukas sa mga preorder hanggang Dec. 11, 2020. Dahil sa pinsalang dulot rin ng bagyo sa kanila, 10% ng malilikom mula sa zine ay ilalaan sa Bad Student. Ang natitirang 90% ay ilalaan pa rin sa mga komunidad na sinusuporta ng PAGASA.

Dog-11-Footer-Stamp
Dog-12-Footer-Books

Ang Gunitaan ay isang munting aklatan ng ating mga alamat. Sa pamamagitan ng design, hinahangad ng Gunitaan na itanghal at mapanatili ang angking rikit ng mga kulturang bumubuo sa ating pagka-Pilipino

Handog ng Serious Studio.