fbpx

Ang Pinagmulan ng Buwan at mga Bituin

Moon-Stars-01-Cover

Ang Pinagmulan ng Buwan at mga Bituin

ISANG KWENTO MULA SA BUKIDNON

Ang kwentong ito ay nanggaling sa Bukidnon, Mindanao. Noong 1916 kung kailan nalathala ang compilation na pinagmulan ng lahat ng kwento rito, ang pagproseso ng bigas ay karaniwang nagsisimula sa pagbayo nito sa pinatuyong balat ng kalabaw. Maaaring may bersyon din ng kwentong ito sa Borneo.

PABAON NA KULTURA

I-download ang kwento o i-preorder ang riso zine at maghandog tungo sa pagpapanatIli ng ating mga katutubong kultura.

Noong sinaunang panahon, malapit pa ang lupa sa langit. Isang araw, may babaeng lumabas ng kaniyang bahay upang magbayo ng palay. Tinanggal niya ang kanyang nagniningning na kuwintas sa kanyang leeg, ang payneta sa kanyang buhok, at isinabit ang mga ito sa langit. Nagsimula na siyang magtrabaho. Inangat niya ang kamay upang bumwelo sa pagbayo ng palay at kanyang natatamaan ang langit. Hindi niya ito inintindi at tinuloy ang pagtatrabaho. Inangat muli ang kanyang kamay upang bumwelo, at muling tinamaan ang langit. Sa bawat pag-angat ng kanyang kamay, umaangat ang langit.

Moon-Stars-02-Pounding-Rice

 

Moon-Stars-03-Rising-Sky-Mobile

Nang matapos siya sa pagbayo,  hindi na niya maabot ang kanyang kuwintas at payneta mula sa pinagsabitan sa sobrang taas ng langit. At dahil doon, nanatili sa langit ang kanyang mga gamit.

Nang matapos siya sa pagbayo, hindi na niya maabot ang kanyang kuwintas at payneta mula sa pinagsabitan sa sobrang taas ng langit. At dahil doon, nanatili sa langit ang kanyang mga gamit.

Ang paynetang naiwan ay kinikilala natin ngayon bilang buwan – ang liwanag sa gitna ng dilim. Samantalang ang kayang kuwintas ay nagkalat sa langit at kinikilala na natin bilang mga bituin.

Ang paynetang naiwan ay kinikilala natin ngayon bilang buwan – ang liwanag sa gitna ng dilim. Samantalang ang kayang kuwintas ay nagkalat sa langit at kinikilala na natin bilang mga bituin.

Moon-Stars-04-Ending-Mobile

 

Moon-Stars-05-CTA

Sa pagkilala at pagtanghal sa mga katutubong Pilipino, nakipagugnayan ang Gunitaan sa PAGASA upang magbigay suporta sa komunidad ng Aeta, Lumad, T'boli at mga katutubong nasalanta ng bagyo sa Camarines Sur. Kapalit ng donasyon sa anumang halaga ay isang digital compilation.

Ang aklatan ay isa ring risograph art zine na inilathala sa tulong ng Bad Student na bukas sa mga preorder hanggang Dec. 11, 2020. Dahil sa pinsalang dulot rin ng bagyo sa kanila, 10% ng malilikom mula sa zine ay ilalaan sa Bad Student. Ang natitirang 90% ay ilalaan pa rin sa mga komunidad na sinusuporta ng PAGASA.

Moon-Stars-05-CTA

Sa pagkilala at pagtanghal sa mga katutubong Pilipino, nakipagugnayan ang Gunitaan sa PAGASA upang magbigay suporta sa ilang komunidad ng Aeta, Lumad at T'boli. Kapalit ng donasyon sa anumang halaga ay isang digital compilation ng buong aklatan. Ang aklatan ay isa ring risograph art zine na inilathala sa tulong ng Bad Student. Maaari itong i-preorder hanggang sa ika-30 ng Nobyembre. Lahat ng malilikom rito ay ilalaan rin sa mga komunidad na sinusuporta ng PAGASA.

 

Moon-Stars-06-Footer-Stamp
Moon-Stars-07-Footer-Books

Ang Gunitaan ay isang munting aklatan ng ating mga alamat. Sa pamamagitan ng design, hinahangad ng Gunitaan na itanghal at mapanatili ang angking rikit ng mga kulturang bumubuo sa ating pagka-Pilipino

Handog ng Serious Studio.