fbpx

Ang Kalabaw at ang Kabibe

Carabao-01-Cover

Ang Kalabaw at ang Kabibe

ISANG KWENTONG TINGUIAN

Ang kwentong ito ay nagmula sa mga Tinguian o mga Itneg ng Abra, kung saan madalas makikita ang Ilog Tineg sa kanilang mga tradisyunal na habi. Maaaring kilala ang kwentong ito sa iba't ibang parte ng mundo bilang ang kwento ng Tortoise and the Hare.

PABAON NA KULTURA

I-download ang kwento o i-preorder ang riso zine at maghandog tungo sa pagpapanatIli ng ating mga katutubong kultura.

Isang napakainit na araw, may isang kalabaw na nagpunta sa ilog upang maligo. Sa ilog na ito, may nakilala at nakausap siyang isang kabibe. Sila’y nag-usap hanggang… "Kabibe, napakabagal mo." ani ng kalabaw. "Hindi ah." sagot ng kabibe. "Kayang-kaya kitang talunin sa isang karera." Dahil dito, agad silang naghanda at nagsimulang makipagkarera. Kumaripas nang takbo ang kalabaw. Nang sa tingin niyang nakalayo na siya sa kanyang kakumpetisyon, huminto siya, lumingon, at hinanap ang kabibe. "Kabibe!" tawag ng kalabaw. "Narito lang ako!" ani ng panibagong kabibe sa may tabi ng ilog. Akala ng kalabaw na ito ay ang parehong kabibeng humamon sa kanya kaya muli siyang tumakbo. Maya’t-maya’y lumilingon, humihiyaw, hanap-hanap pa rin ang hinamong kabibe. Sa bawat pagtawag, may sumasagot na panibagong kabibe.

Carabao-02-Run

 

Carabao-03-Top-Wave-Border
Carabao-05-Dumbfounded

'Di makapaniwala ang kalabaw kung papaano nakakahabol ang isang kabibe sa isang tulad niyang kalabaw.

Carabao-04-Bottom-Wave-Border
Carabao-03-Top-Wave-Border

'Di makapaniwala ang kalabaw kung papaano nakakahabol ang isang kabibe sa isang tulad niyang kalabaw.

Carabao-04-Bottom-Wave-Border
Carabao-05-Dumbfounded
Carabao-06-Smart-Shell

Sa kaayawan niyang magpatalo, patuloy lang siyang tumakbo hanggang sa tuluyan na siyang napagod at di na makapagpatuloy. Samantalang ang nauna at nag-iisang kabibeng humamon sa kanya ay nagpapahinga sa tabi ng ilog.

 

Carabao-07-CTA

Sa pagkilala at pagtanghal sa mga katutubong Pilipino, nakipagugnayan ang Gunitaan sa PAGASA upang magbigay suporta sa komunidad ng Aeta, Lumad, T'boli at mga katutubong nasalanta ng bagyo sa Camarines Sur. Kapalit ng donasyon sa anumang halaga ay isang digital compilation.

Ang aklatan ay isa ring risograph art zine na inilathala sa tulong ng Bad Student na bukas sa mga preorder hanggang Dec. 11, 2020. Dahil sa pinsalang dulot rin ng bagyo sa kanila, 10% ng malilikom mula sa zine ay ilalaan sa Bad Student. Ang natitirang 90% ay ilalaan pa rin sa mga komunidad na sinusuporta ng PAGASA.

 

Carabao-08-Footer-Stamp
Carabao-09-Footer-Books

Ang Gunitaan ay isang munting aklatan ng ating mga alamat. Sa pamamagitan ng design, hinahangad ng Gunitaan na itanghal at mapanatili ang angking rikit ng mga kulturang bumubuo sa ating pagka-Pilipino

Handog ng Serious Studio.