fbpx

Ang mga Anak ng Limokon

Limokon-01-Cover

Ang mga Anak ng Limokon

ISANG KWENTONG MANDAYA

Mula sa Mindanao, ang kwentong ito ay ang pinaka malaya mula sa impluwensya ng mga banyaga, kumpara sa mga kaparehong kwento nito sa Bukidnon at Bagobo, Ang mga limokon ay pinaniniwalaang mensahero ng ispiritwal na mundo. Sinasabing malalaman kung mabuti o masama ang kapalaran ng isang Mandaya depende sa kung anong direksyon maririnig ang paghuni ng ibon. 

PABAON NA KULTURA

I-download ang kwento o i-preorder ang riso zine at maghandog tungo sa pagpapanatili ng ating mga katutubong kultura.

Noong sinaunang panahon bago pa man magkaroon ng tao sa lupa, nilibot ng mga limokon ang mundo. Nagmula ang mga limokon sa mundong ispirituwal. Sila ay mga makapangyarihang mga espiritu na may anyong kalapati at may abilidad magsalita.

Limokon-02-Bird-Mask

 

Limokon-03-Left-Egg-Size

May isang limokon na nangitlog – isa sa bukanan ng Ilog Mayo at isa pa sa kabilang dako nito.

Pagkalipas ng ilang panahon, napisa ang mga itlog. Naging lalaki ang nasa bukanan ng ilog at naging babae naman ang itlog sa kabilang dako.

Limokon-03-Right-Egg
Limokon-04-Woman-Top-Size

Matagal na panahon na nabuhay mag-isa ang lalaki sa tabing-ilog, subalit siya'y malungkot at nangulila para sa isang katambal. Isang araw, habang tumatawid ng ilog, may humampas sa kanyang mga binti na naging dahilan ng kanyang pagkadapa na halos ikalunod niya. Sa kanyang pagtayo, kanyang napagtanto na ito pala ay buhok. Sinundan niya ito pataas ng ilog, habang maiging nagmamasid para sa pinagmulan nito. ‘Di kalaunan, kanyang natagpuan na ito'y nagmula sa babae sa kabilang dako ng ilog. Natuwa ang lalaki, sapagkat inisip niyang maaari na siyang magkaroon ng katambal.

Limokon-04-Man-Bottom-Size

Sa paglipas ng panahon, kinasal ang dalawa at biniyayaan ng maraming anak. Ngayon, kinikilala na ang kanilang mga anak bilang mga Mandaya, na nakatira pa rin sa tabi ng Ilog Mayo.

 

Limokon-05-CTA

Sa pagkilala at pagtanghal sa mga katutubong Pilipino, nakipagugnayan ang Gunitaan sa PAGASA upang magbigay suporta sa komunidad ng Aeta, Lumad, T'boli at mga katutubong nasalanta ng bagyo sa Camarines Sur. Kapalit ng donasyon sa anumang halaga ay isang digital compilation.

Ang aklatan ay isa ring risograph art zine na inilathala sa tulong ng Bad Student na bukas sa mga preorder hanggang Dec. 11, 2020. Dahil sa pinsalang dulot rin ng bagyo sa kanila, 10% ng malilikom mula sa zine ay ilalaan sa Bad Student. Ang natitirang 90% ay ilalaan pa rin sa mga komunidad na sinusuporta ng PAGASA.

 

Limokon-06-Footer-Stamp
Limokon-07-Footer-Books

Ang Gunitaan ay isang munting aklatan ng ating mga alamat. Sa pamamagitan ng design, hinahangad ng Gunitaan na itanghal at mapanatili ang angking rikit ng mga kulturang bumubuo sa ating pagka-Pilipino

Handog ng Serious Studio.